Tuesday, September 24, 2013

Juan dela Cruz





I used to watch Juan dela Cruz on TV but since I started working, I have not seen any episode.  Last night, my mother told me about a post she read that condemns the use of Muslim names among the aswang characters in the TV show. I goggled and found this.









Teleseryeng Juan dela Cruz, Anti-Islam
https://www.facebook.com/abscbnNEWS/posts/10151614337010168

Ako ay nananawagan sa lahat ng Muslim sa Pilipinas na kondenahin ang ABS CBN at lalong higit sa lahat ang Direktor, Scriptwriter at Producer ng Teleseryeng Juan dela Cruz.

Sa mga nagdaan at kasalukuyang takbo ng istorya, ang Haring Aswang na si Samuel Alejandro ay walang pakundangang tinatawag at binabanggit ang mga Islamikong pangalan na OMAR, ABDUL, at MIKAEL (or Mikal - Angel Michael)

Lumalabas na ang plot ng teleseryang ito ay digmaan sa pag-itan ng mga Kristiyano sa pangunguna ni Juan dela Cruz laban sa mga aswang na pinamumunuan ng Haring Aswang na si Samuel Alejandro, lumilitaw na ang mga alagad at tauhan ng Haring Aswang ay pawang mga pangalang Muslim.

Batid natin na ang Omar ay pangalang Muslim lalo pat ito ay pangalan ng isang matapang, matuwid, matapat at iginaglang na Khalifa ng Islam na si Omar Ibn Kattab (radialahu anhu). 

Ang Mikael (Mikal) ay pangalan ng isang malakas na anghel na si anghel Michael na anghel na tagapagpaulan.

Ang Abdul ay nanggaling sa salitang Arabic na ‘Abd’ na ang ibig sabihin ay ALIPIN. Ito ay sinusundan ng pangngalang pangtangi ni Allah at ng Kaniyang mga Sifat (katangian) kagaya ng:
Abdull’Allah (Abdullah - alipin ni Allah)
Abdul ( r ) rahim, (alipin ng Maawain)
Abdul ( r) rahman, (alipn ng Mahabagin)
Abdul Malik (alipin ng Hari)
Abdul Gani (alipin ng Mayaman)
Abdul Jabbar, Abdul Mu’min, Abdul Aziz, Abdul Fattah, Abdul Mannan, Abdul (s) Salam at lahat ng 99 na asma wa sifat (pangalan at katangian) ni Allah.

Ang Abdul, kalian man ay hindi maaaring gamitin o iakibat sa kahit na sinong nilalang kagaya halimbawa ng Abdul Haring Aswang, Abdul Samuel Alejandro…. Sapagkat si Abdul sa teleseryeng ito ay taga sunod ni Samuel Alejandro.

Ang pangalang Abdul ay sagrado ito ay tawag o ngalan tangi sa taong sumusunod, sumusuko at tumatalima lamang kay Allah, hindi alipin ng isang nilalang na may kakaibang kapangyarihan, malahalimaw na hitsura na makikita sa katauhan ng Haring Aswang. 

Batid natin na ito ay kuwento at kathang isip lamang subalit hindi dapat na gamitin ang mga pangalang ito sa ganitong uri ng kuwento, kung hindi rin lamang ang istorya ay patungkol o tumatalakay sa istoryang may temang pang Islamiko. Kaya naman, ito ay tantos na paglapastangan kay Allah (azza wa jal) at sa relihiyong Islam.

Sa palabas na ito, ang hitsura, kasuotan ni Abdul ay hindi maipagkakailang larawan ng isang Muslim na mandirigmang aswang at alipin ni Samuel Alejandro. Kailan man ang mga Muslim ay hindi naniniwala sa ganitong uring nilikha. 

Oo ngat ang istoryang ito ay isang Mitolohiya at walang basehan, ngunit ang pagkakasangkot ng mga pangalang Muslim ay mariin kong kinokondena na maaaring maging dahilan ng pagkakaligaw ng maling paniniwala at maaaring sa murang isipan ng mga batang manonood na ang mga Muslim bago pa dumating ang mga Kastila ay nilikha ng diwatang si Feruha at ginawang mga aswang.

Ako ay nananawagan sa ating mga Ulama at maging sa mga kagaya kong tagapagturo at tagapagpalaganap ng Islam na kondenahin ang palabas at tutulan ang patuloy na paggamit ng mga pangalang Muslim. Kalampagin at papanagutin ang pamunuan ng ABS CBN, dahil ito ay isang diskriminasyon at kabastusan, insulto sa ating pan iniwala bilang mga Muslim.

Kung hindi ito mabibigyang pansin at ipagsasawalang bahala patuloy na yuyurakan ng mga Kufar na ito ang ating pananampalataya at karapatan bilang isang Muslim.

Hangad ko na bibigyang pansin ninyo ang panawagang ito.

Eisa Batallones 
Islamic Teacher, Propagator & Writer
Al Malha Jizan KSA
Attention: MTRCB, ABS CBN, MGA MUSLIM